Ghost Ghost

My Button Collection

Ano ba talaga ?

Sa panig ng mga kababaihan. Naranasan nyo na bang may isang lalake kang kaaway, hindi yung away na hate or pisikal na sakitan. Yun bang, palagi kayong nagtutuksuhan, nagbabarahan. At lahat ng taong nakapaligid sainyo, sinasabi bagay na bagay daw kayo, the more you hate the more you love daw.. Yung tipong pinagloloveteam talaga kayo… Tapos ikaw, nahuhulog na dahil sa araw araw na ginawa ng diyos walang bukam-bibig ang taong nakapaligid sainyo ay yung tungkol sa inyo, sa tuwing magkikita kayo, parang hindi nyo kayang lumipas ang bawat minuto na nagsasagutan at nagtutuksuhan kayo.. At dahil dun, parang kasiyahan mo na na tuksuin ka nya…



Ako, heto ang nararanasan ko ngayon, inaamin ko, nahuhulog na ako sakanya, pero ang problema  eh kung siya ba ay ganun din saakin? Masaya ako sa tuwing tinutukso nya ako, ewan ko, ang weird !! HAHA.. Minsan nga nagsumbong ako sa kuya nya tapos kay kuya Dhan.. pero, pareparehas lang sila ng sinasabi.. Na ang panunukso daw ay isang paraan ng lalake para mapansin sila ng taong gusto nila.. pero hindi ako kumbinsido doon, hindi ko din alam kung bakit, gusto kong maniwala pero ayoko namang mag-assume ! Isa pa, ok lang din naman saakin kung the feeling is mutual or not ! Basta masaya ako at masaya sya.. OK na ako.. Hindi ko kailangan ng relasyon ngayon, ieenjoy ko muna ang pagkakaroon ng madaming crush, kain tulog at computer ! HAHAHA.. 

Kaming dalawa,. may mga time na masaya kaming nagtutuksuhan, sweet, nagkakainitan/nagkakasagutan, at minsan magkasundo … Gaya kanina, nagbabarahan kami, nagtutuksuan at naghahabulan… Kanina nga, naghabulan kami  pababa ng hagdan kasi sya eh epal, binabawal na nila kami, kasi bawal nga namang tumakbo sa place na yun.. naghabulan kami hanggang sa may parteng walang ilaw.. Bigla nalang nya akong hinawakan sa may braso ko at hinatak “samahan mo ako sa kalihiman, madilim eh” ( wow ha! parang kakatapos lang natin mag-away at maghabulan, tapos heto ka ngayon, hahawak hawak ) eeehhh.. pero, gusto ko yun ! Ang saya ng feeling na yun na hinahawakan nya ako sa braso. Parang damang dama ko yung kuryente between us !  Tapos nung aalis na kami sa kalihiman, saktong dumating sila Kim at ate Janine ( sila ung bumabawal saamin ) ate janine : “kayong dalawa ha” (habang hawak hawak ako ni Raph sa braso) Kim: “wow,magbestfriend na kayo ngayon ha” … kaming dalawa: “hindi kami bestfriend nuh” ( hindi nga naman kami magBestfriend, kasi lovers kami. LOL)


HAHAHAHA … basta,.. naguguluhan ako, ano ba talaga ako sakanya ?

(Source: mapagmahalnamansanas.tumblr)

Button Theme